Look beyond an apple...



Friday, January 19, 2007
ICED TEA GUY!!!

 

 

NASAN KA NA?!?


Posted at 08:01 am by apold
watchuze?!?  

Tuesday, December 26, 2006
Happiness! hahaha

Hola! Happy Christmas everybody! Hahaha. Grabe ngayon na lang ulit. 2nd term is finally over. I hated it but now I am in love with it. Hahaha. Ang galing kase ni Lord. Super kakaiba. Salamat sobra. Celebration!!!

Well, singleness in the air pa rin ako but i don't give a care. Hindi naman yun ang kailangan ko para maging masaya sa ngayon. I'm just glad, I spent it with my family kahit na sabog sabog pa rin kami. And so? May pag-asa pa. Basta ang Pasko hindi para sumaya ako.

Para talaga 'to sa KANYA e. Nakakatuwa ano? Ngayon ko lang nrrealize ang mga bagay na'to. Dati, kailangan bagong damit, bagong itsura, at bagong pera. Hahaha. Masaya ako at kuntento kahapon sobra. Di ako masyadong nakapamasko pero ayos lang. Nahuli ako ng mga inaanak ko, pero ayos lang din. Hahaha. Binalak kong magtago pero inabutan nila akong lahat sa bahay ng mga lola ko. Nakakatuwa pa din. Naisip kong, ayokong pera o regalo lang ang maging relasyon ko with them. As much as I can, i'll try my best to be a friend to my godchildren. Naks! Hahaha. Yan kase ang dream ko pero di naman ako close sa aking mga ninang at ninong. Anyway...

Gloomy ang paligid kahit pasko. Parang hindi na tulad ng dati pero talagang naisip kong, "eh ano naman?!?" Naiisip ko ngayon ang mga taga Bicol... Pa'no kaya sila dun ano? Sana maayos naman. Sana masaya pa rin. Sana hindi nila sinisisi ang Diyos sa mga pangyayari.

Bakasyon na! Waw! Ngayong araw na'to, medyo boring, pero ayos pa rin. Tiniis ko na lang kesa naman makipagsapalan sa mall na malamang na punung-puno ng mga batang nilulustay na ang kanilang mga napamaskuhan. Hahaha.

Bukas na lang ako.

Masaya ako! Ibang saya 'to. Siguro natututo na'ko talaga. Di ko na pipigilan ang sarili kong maging masaya. Tama na ang pag-alala sa nakalipas. Excited na'ko. Weeeee!

Thank You Lord for everything!


Posted at 07:35 pm by apold
watchuze?!?  

Monday, November 13, 2006
Tagged

Hahaha. Super tagal na nito. Ngayon ko lang napansin ye. Anyway, sige subukan nga.

1. How often do you blog? atleast once a month or two
2. Online Alias: apoldu, sockyrha
3. Have you ever stood up for someone you hardly knew? Hmm, di pa yata.
4. What do you do most often when you are bored? listen to music, sleep, and EAT.
5. When bathing, which do you wash first? Sabay-sabay isang buhos! (Same with Ate Gi. ü)
6. Have you ever been awake for 48 hours straight? Di pa naman. Masyado na yan. 47 hours.
7. What color looks best on you? black dati pero di naman color yun so di na lang yan. light colors... daw
8. What’s your favorite alcoholic drink? not a drinker. hahaha
9. Do you believe in heaven and hell as a real place that each of us will go to after death? Yeza.
10. Do you find that you have more online friends than offline friends? No.
11. What was your favorite subject in school? English and Trigo. (naks!)
12. Are you a perfectionist? No. ata? hahaha
13. Do you spend more than you can afford? once in a blue moon yan.
14. Is it better to have loved and lost than never to have loved before? Yes. (Wushoo)
15. Do you consider yourself creative? No. Minsanan lang nangyayari 'to eh.
16. Do you give yourself the credit you deserve? at times.
17. Do you donate time or money to charities? Ano yun? hahaha.
18. Have you recently done something that you’ve criticized others for doing? Meron ata. Can't remember.
19. What’s on your mind right now? Exam ko mamaya. Deads na naman ako. Wahaha
20. Say one nice thing about the person who tagged you and the five people that you are going to tag. - Si ate Gi, super bait at maganda. Mandy Moore yan eh. Ayoko ng isang nice thing lang bakit ba? Hahaha. Basta super I admire ate gi dahil isa talaga siyang ate at palaging totoo. Ang cute din magdala ng damit pati. Very creative.
21.
5 people I'm tagging - wala na. super late ko na nga 'to nasagutan eh. hahaha.


Posted at 11:50 am by apold
watchuze?!?  

Thursday, November 09, 2006
latest update

At long last nakadalaw rin.

It's been a very long time ah. Anyway, sharing time na.

Nitong mga nagdaang araw, mas feel kong magsuot ng kung anu-ano lang. Yung tipong kung ano yung available sa cabinet, yun na yun.I don't see anything wrong with what I am doing. Ewan ko lang bakit parang nagitla naman kagabi nung sinabi 'to ng isang kaibigan.

Nyak! As much as possible, I always want to be real. Ayoko ng quasi-real parang quasi-model. Hahaha. Anyway, kase kagabi dumaan ako sa kanya bago umuwi. Nabago ko na pala ang ugali niya sa pananamit. Di naman sa sinisisi niya ako/kami pero kahit papaano talaga naapektuhan siya. Ganun nga talaga siguro ano? Kung sino yung mga madalas mong makasama, may tendency na magkahalo-halo rin ang mga ugali, stilo, at kung anu-ano pa. Eh ano naman?

Di ko man lang napuna na kaya ko palang maka infect ng tao. Hahaha. Hindi masama 'to. Well siguro kahit papaano may hindi magandang dulot sa kanya kase hindi naman daw talaga sha ganun way back her froshie time. Kikay look kung baga daw dati. As in tineterno-terno niya ang lahat sa kaniya pero ngayon, hindi na niya napapalitan bag niya, ni pati rubber shoes yun palagi, nag-uulit na rin ng damit like ME.

Well, sinabi ko bang gayahin niya ako? Hindi naman dba? Siguro nga naapektuhan talaga siya at ngayon na-realize niya yun kaya gusto niyang magbago at bumalik sa dati. May nagsabi daw sa kanya na kaibigan niya na parang hindi na daw nakikita sa kanya ang noon. Whatever. Hindi ako galit ha. This lead me kase into a deep thinking on my way home last night.

Masaya naman ako sa mga sinusuot ko. Mas feel ko ang mga damit na magiging komportable ako lalo na pag nasa school (as if naman marami akong ibang pinupuntahan dba?). Gusto ko kase yung nakakagalaw ako ng mabilis at maayos. minsan hindi ko na kase alam kung paano pa ang maging mabagal dala na rin siguro na wala akong karapatan talagang magbagal sa school. Warevar!

Pati pananalita, naimpeksyon din sya. Kase naman ang hirap mag translate sa Filipino minsan, lalo na yung mga bokabularyong onli in da Pilipins. O pano na? Well, kailangan ko naman talagang matutunan yun at masaya naman din akong masanay pero yung kagabi talaga, nawindang ako. Kahit dugong dugo na ilong ko sa pagsasalita, sige go lang ng go dahil ayoko rin naman na hindi niya maintindihan ang mga sinasabi ko. Nakakatawa nga eh, madalas akong ma-correct sa mga choice of words ko. Inglesin ko ba naman ang kinakahon as boxing. Nakakatawa diba? Nyahaha. Grabe nosebleed talaga mare! Kung pwede lang bilugan ang mga mali ko, deads na. Sulatan na lang kase tayo. hahaha

Totoo naman, mas madali ang magsulat sa Ingles kesa magsalita dba? E kase pag sulat, pwede i-edit, pag sinalita, gudlak to you na. Inexplain ko sa kanya na sobrang hirap pa talaga sa ngayon lalo pa ako dahil hindi ko talaga sinasalita 'to madalas. Sinusubukan ko talaga naman at sa tingin ko naman nag i-imporove naman kahit kalahating guhit sa isang linggo kaya lang ewan ko na. Siguro less hanging out with her na rin muna. nakuha niya kase na naman ang mga salitang na, sobra, talaga, sige, para/ng, atbp.

Pasensha na kung naaapektuhan kita/namin. Mag a-adjust pa rin ako. Sana makayanan ko pero hindi ko babaguhin ng malupit ang sarili ko. Mag a-adjust lang ako sa mga aspetong kailangan ng adjustments pero kung buong pagkatao ko, wag naman sana. Be what you want to be as I do the same with what  I want. Ganun na lang. Friends pa rin naman kahit less pagsasama eh. ü 


Posted at 12:29 pm by apold
Comments (3)  

Tuesday, September 19, 2006
...

It has been a long while na naman.

What's up na nga ba?

Parang mag-isa lang ako lately.

I didn't mean literary "mag-isa".

Wala lang. Tingin ko, no one would understand me

Or baka no one would care to understand me at all.

Waw grabe ah! Anong meron naman?

Well, siguro gan'to lang talaga at times ang buhay.

Unexplainable. Unfathomable.

I feel like running away from where I am now

pero which way to go naman?

I don't know. Gusto ko na lang matulala.

Pag tinatanong ako, ayokong magsalita.

Hindi dahil sa ayoko ng tulong. Hindi ko lang talaga alam ang sasabihin.

Unfair ba yun? Sa mga panahong gan'to isa lang naman ang hiling ko.

Sana kahit konti nakita niya sana kung ano yun.

Nitong mga nagdaang araw parang nag iiba ang tingin ko sa buhay.

Gusto kong maging totoo palagi. Sawa na'ko sa maskarang ginawa ko.

Malaya ko ng nasasabi ang mga saloobin ko kadalasan pero bakit ganun?

HIndi nila maintindihan? Lahat na lang hindi.

Ewan ko na! Arghs..

Kasalanan ko ba na ganito ako ngayon?

Eh sa hindi ko alam saan magsisimula eh.

Edi sige iwan niyo na. Sanay na naman ako.

Ayoko ng maghabol o kung anupaman.

Bahala na. Gusto kong mabuhay ng simple.

Maiwan man akong nag-iisa sa mundo ko.

Yun lang.


Posted at 12:03 pm by apold
Comments (2)  

Wednesday, September 06, 2006
"iced tea" part 2

So yun nga.

 

After ng weird talk with myself, nag-aral na'ko ng kunwari. Hahaha. And there he was, fixing his things. Naku kinabahan naman ako ng konti kase uuwi na sya yata. I'm feeling sad a bit. Hahaha. As if namang knowingly each other na kami no? hahaha. Ewan ko. Weird feeling nga kase. So ako naman, nakayuko na lang at unti-unting napaluha…

 

Wahaha. Syempre hindi no! Hala bakit naman akong magkakaganun dba? Weird.

 

Nakayuko ako nung dumaan sya sa lugar ko ng biglang may tinig…

 

"Miss, matagal ka pa ba mag-stay? Pwedeng paiwan muna ako nito? Lalabas lang ako."

 

Jujujung. Maygu! Halimaw ang hartbit ko. Wooo! Pambihira talaga. Ako naman syempre, di ko pinahalatang na-excite ako. Nakasagot pa'ko ng maayos ng ganito. "sige okay na okay. Este, okay lang." Hahaha. Joke time. Syempre sabi ko "sige okay lang." yun lang. So ayun, lalo naman akong nataranta. Pag-alis nya, nag ensayo naman ako ng pang "you're welcome." speech ko. Hahaha. Grabe no? Weird feeling nga kase eh. So ako naman so bothered about everything na. May nabasa akong note sa book niya. With that note, nalaman ko kung anong name nya. Aba, habang tumatagal pasaya ng pasaya ang pakiramdam ko. Ang baliw.

 

After 15 minutes, bumalik na sha. Nag thank you sha habang kinukuha yung gamit niya kaya ayun tuloy, di nya nakita ang pag ngiti ko habang nag yo-you're welcome. (sayang ang ensayo) Bumalik na sya sa comfy seat. Whew, akala ko uuwi na sha eh. Nauuhaw na'ko that time. Bibili na sana ako ng iced tea kaya lang nung tumayo sya para bumili, hindi na lang muna sabi ko. Green iced tea for him. After 10 minutes, bumili na rin ako dahil uhaw na uhaw na'ko talaga. Kaya ako hindi rin bumili agad kase ayokong isipin niya na ginaya ko sya. Hahaha. Ang arte.

 

After kong bumili, lumipat ako sa comfy seat beside his place. May harang yun. So di kami nagkakakitaan na. Feeling ko ang wrong move nun. Eh kase naman, nung andun ako sa previous seat ko, naiilang ako sa paningin nya. Oo, nakatingin sha sa'kin. O dba? Wahahaha. So lumipat ako sa tapat ng inupuan ko. Mas maayos at hindi ako lugi. Makikita ko na talaga kung totoong tumitingin sha. Hahaha. The weird feeling made me happy, excited, and all. Ewan ko ba, pero in 21 years, ngayon ko lang na-experience ang ganun. Nakakaloka. Pinilit kong mag-aral pa din. Hanggang sa …

 

7:58 pm ICED TEA

 

Hahaha. Talagang may time pa eh no? Sinulat ko yan sa notebook ko. Eh kase nung time nay an, sabay naming kinuha yung iced tea at pati pag-inom sabay din. Weird ko talaga pero sinulat ko talaga un. Hahahaha. Ang saya ko. Ewan ko nga eh. Nakakataranta ang feeling ha. So ako, nag CR na lang muna. Pagtingin ko sa salamin, maygu, natataranta ako. Hala aps!!!! I don't know what to do na. "Lord, ayokong magalit ka, uuwi na'ko ng 830 pag di nya ako kinausap." sabi ko. Pinanindigan ko talaga un. May mga panahong nagkakatinginan kami at ang weird talaga. 825 last CR time na'ko. Whew, uwian na talaga 'to. Ilang seconds pa lang ako sa CR ng biglang may pumipihit ng knob. Nyak! E, share kase yung guys and girls CR kaya di ko na malaman kung sino yun. Hala eh konti lang ang tao that time na. Natakot ako. Ay dumagundong talaga ang dibdib ko. Nagpalipas lang ako ng ilang saglit tapos labas na.

 

Nakatanaw sya sa sa'kin nung lumisan na'ko.

 

Ayoko mang matigil ang masayang pangyayari, tinigi ko na dahil napaka weird na talaga. Ang sakit sa bangs. Naglakad na'ko patungong sakayan. Out of my being weird, I looked back just to check kung nasa likod ko sya. Nyak naman no? Makapag-assume pero andun nga sya! Nyak! Buti na lang talaga hindi ako naging asin that time. wahaha. 3 times ko syang nilingon pero wala lang. Di naman sya lumapit pa rin.

 

I went home na.

 

On my way home, naiisip ko pa din ang mga pangyayari and it made me smile. Nawiwirduhan ako ng lubos sa sarili ko. sabi ko pa kay Lord, I really don't understand the feeling. Makita ko man siya o hindi na, kayo na po ang bahala. Weird no? Hanggang sa makauwi ako ganyan na. Ang weird lang kase when I woke up the next day, kinakabahan ako at naiisip ko pa din sya. Haller. Na-adik na ba'ko? Weird lang talaga. Finals week na halos kaya kailangan ko ng magseryoso nung mga panahon na yun.

 

After ilang days, my friends and I went there again. Konti lang ang hope na makikita ko pa sya ulit dun. Nung may napansin akong nakaupo sa comfy seat na guy, yun na. Siya nga. Weird pero malupit ang kaba ko... Pinilit ko namang maging maayos ang lahat. Sinabihan ko rin sila na wag na'kong biruin na muna dun dahil natataranta na'ko talaga so ayun nakapag- aral naman ako ng konti. Isa-isang naglaho ang mga kaibigan ko hanggang sa isa na lang ang natira pero hindi naglaon, iniwan nya rin ako. Nag-note pa na tingin ng tingin si iced tea guy kaya aalis na sya talaga. So there. Naiwan na'ko talaga mag-isa. Di ko na sya masyadong pinansin hanggang sa  I saw him standing at the back of my seat. Nakatingin.

 

Sabay uwi.

 

Weird naman talaga. I don't know if he wanted to talk with me that time. Weird pero ayoko ng isipin 'to. Last week, super hirap ako sa sitwasyong 'to. Ewan ko ba pero parang super umaasa ako sa isang bagay na hindi naman ata tama. Hindi ko kilala ang taong yun pero he caught my attention. As in almost full attention. Naka ilang balik na rin ako ulit dun pero di ko na sya nakita pang ulit. Siguro tama na talaga 'to. Di naman ako talaga dapat umasa. Masayang experience 'to at nakakatuto. Di dapat pilitin na bigyan ng reasons ang mga pangyayari kung di naman kaya ng powers. Just let it. Baka naman nangyari lang yun para may masayang kwento. La lang. I had loved and hated the feeling pero ngayon okay na'ko. Tama na. Hahaha. Baka ma-asa mehn.

 

Yan lang. Hahaha. Ang haba...


Posted at 11:09 pm by apold
watchuze?!?  

Tuesday, August 29, 2006
"iced tea"

Minsan di ko na maintindihan.

 

Hindi ko ba talaga maintindihan o sadyang ayokong intindihin?

 

Bakit ganun? Pakiramdam ko maraming bagay ang ayaw umayon sa mga naisin ko.

 

Kung iisa-isahin natin yun, naku! Sandamukal!

 

Tulad na lang ngayon.

 

Walang blogdrive kaya naman napilitan akong gumamit ng msword

 

Why am I so into someone I do not know?

 

Ngayon pa lang binabalaan na kita.

 

Hindi yan gaya ng iniisip mo o balak mo pa lang isipin.

 

Ang defensive ko no?

 

La lang. Totoo naman kasi eh.

 

Merong tao na tila nagmamanipula ng bawat araw ko.

 

Teteng. Ayoko lang kasing magsinungaling sa bagay na’to

 

Oo naman ayoko talagang nagsisinungaling. Minsan.

 

Hahaha. Gulo.

 

Ikekwento ko pa ba’to?

 

Kung merong nais makaalam. Just comment: STORY ON.

 

Wala lang.

 

 

--- ICED TEA GUY ---

 

O ayan na sige na ikkwento ko na lang. Ang weird kase e.

 

I saw this guy last Monday. August 21, 2006. o diba?

 

Sa isang kapehan. Sa loob ng tatlong oras na nagdadaldal ako, may isa palang guy sa isang comfortable seat dun. He’s cute. Deadma lang ako kase eh ano naman diba? Ilang saglit pa, kinailangan ng lumisan ng kaibigan ko. Ako naiwang mag-isa at nagpumilit mag-aral. It was then that I realized na ang konti na lang pala ng tao sa kapehan. Para ngang dalawa na lang kami halos. Ang weird ko pero natatawa ako ngayon na naiiyak. Weird talaga.

 

Habang kunyaring nag-aaral, natuwa ako sa kanya. Wala lang. He’s a Chinese guy. Sa totoo lang, ayoko ng Chinese guys. (pasensha na sa mga friendly friends na Chinese ha.) I mean, di ko nakikita ang sarili ko na magkakagusto sa isang Chinese guy. Feeling ko kase, weird sila at kuripot pero pwede naman maging friends with them. Wala lang.

 

It’s funny how I talked to myself. Madalas ko ‘tong ginagawa lately. Feeling ko it’s helping me rin minsan. Syempre di ko naman ‘to ginagawa sa madla. Di pa naman ako handang mapagkamalang may tama sa utak. So yun. Kinausap ko nga ang aking sarili.

 

Sana lumapit sha sa’kin tapos kausapin niya ako.”

“Weird, tumigil ka nga. Di yan lalapit.”

“Naku! ano ‘tong napi-feel ko. Ang weird naman.”

“Hmmmm.”

 

Weird no? Siyempre yung iba di ko na maalala kase…

 

It’s time. Just comment: STORY ON!!! for continuation. Wink

 

 

 

 

 

 

 

 


Posted at 05:26 am by apold
watchuze?!?  

Next Page


apold


...APOL DUYAN SI AKO...
   

<< December 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05
06 07 08 09 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed